Luisita Magsasaka


Noynoy Aquino: Hacienda Luisita Massacre

Nalalapit na ang Anibersaryo ng Karumaldumal na pagpaslang sa mga inosenteng magsasaka sa Hacienda Luisita

at hanggang ngayon ang hustisya na hinihingi ng aking pamilya kasama ang ilang biktima ng pangyayari ito ay tilang walang nangyayari at sadyang tinatalikuran na ng mga taong dapat humaharap sa amin.

Bagkus, Pinipilit pa ang ilan sa aming mga kasaman na lisanin ang lupain.

Hacienda Luisita tillers defy order to leave

Ito ang nagpapatunay ng kababawan ng kandidatura ni Noynoy. Walang plataporma. Walang sinasabi maliban sa pagnakaw sa konsepto ng kanyang mga magulang. Di nag-iisa? Pano ang mga kawawang magsasaka ng Hacienda Luisita? Nag-iisa sila, Noy! Dadamayan mo ba sila?

Gusto tayong lokohin sa pamamagitan ng mga artistang alam naman nating nakuha dahil sa impluwensiya ni Kris Aquino at Boy Abunda. Nakakahiya talaga. Yan ba ang gusto natin? Wag na tayo magpadala sa kasinungalingan ng isang malinaw na walang kakayahan! Tuloy ang laban para sa hustisya para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita!


3 Comments so far
Leave a comment

wOw !
GraBehh pala si NOY! sana makita toh ng mga taong sumusuporta at naakit sa kinang ng liwanag na hatid ng SHOWBIZZ sa pamilya nila. Dapat malaman ng mga tao na hindi charismatic leader lang ang dapat pinag-bababasihan sa pagpili ng presidente, kung gusto natin ng malinis na halalan, baliw tayo para isipin na mangyayari yun, hindi na magbabago ang panahon ngayon, ang magbabago lang ay kung panu natin tingnan ang mga bagay-bagay na nasa ating kapaligiran. Kung ating babalikan ang nakaraan, bayani at huwaran ang tingin ng marami kay Ninoy sa pag-oppose nia kay dating pangulong Marcos, ngunit sinu ba sa History ng politika ng pilipinas ang may pinaka magandang plataporma, programa, at hangad na pag-unlad sa mga naging pangulo ng ating bansa?
Sumama ang imahe ni Marcos sa pagkawala ni Ninoy, ngunit kahit kailan hindi naman napatunayan ang alegasyon laban sa kanya, na sya kuno ang utak ng krimeng ito, samantalang kung ating iisipin at pag-aaralang mabuti, during that time, kung ipapapatay ni Marcos si Ninoy ay alam nya na ang mangyayaring ito sa kanya, therefore bakit pa niya gagawin ito? Hindi ba’t mas malaki ang interest ng mga kalaban nya (na maaaring kakampi pa nga umano ni Ninoy) na siya ay ipapaslang pagbalik nya ng Pilipinas, sapagkat yun lang ang pagkakataon nilang makuha ang kanilang kagustuhang mawala sa posisyon si Marcos? — At hindi ba’t nagtagumpay sila? nauto nila ang taong bayan na mag-alsa laban sa gobyerno ni Marcos ng mawala ang kalaban niyang si Ninoy sa maruming paraan, sa karahasang pinagiwanan na ng katotohanan kung sinu ba talaga ang tunay na utak ng krimen. Napasama nila ang integridad ni Marcos at pinatalsik sa pwesto, ang gobyernong nagtakda ng “martial law”, nguni’t isa ring gobyernong may maayos na pamamalakad sa aspetong politikal at maunlad na ekonomiya. Hawak ng gobyerno ang lahat ng pamamalakad sa pamumuno ni Marcos, (malas lang nya dahil nasagasaan nya ang mga mayayaman at maimpuwnsyang pamilya) ang mga institusyon na ngayon ay binaboy ng mga piling indibidual.
Noon walang nagmumura dahil sa kamahalan ng singil sa kuryente at tubig sa loob ng rehimen ni Marcos. Ngayon wala ka na ngang makain, papatayin ka pa ng global warming sa init ng panahon, putik lang ang kaya mong inumin pag wala kang salapi.
Sa pangyayaring ito, hindi ba’t bumango ang pamilyang Aquino? (salamat sa pumatay kay Ninoy) napalitan ni cory si marcos (pampalubag loob sa mga Aquino). Tiningala siya ng malalaking bansa (US atbp) na ngayon ay may malaking pakinabang sa kayamanang taglay ng ating Pilipinas, na sila ang mas may kakayahang bumili nito kesa sa ating mga nakatirang mamamayan sa lupa.

Kasabay nito, pinalitan din ng (galit na si) cory ang mga naitayong moog ni marcos, moog na syang pundasyon ng ating bansa, kaya nang mawala, ayun lumagapak at hanggang ngayon nananatiling mahirap. Tama nga siya, lalaban tayo, kaya hanggang ngayon lumalaban pa rin tayo.

Base sa mga pangyayaring ito, malinaw na nagkamali tayong mga Pilipino, tama ang pag hangad natin ng pag-babago, na alisin ang martial law, nguni’t ,ali tayo ng kinampihan, mali tayo ng pamamaraan at kinasangkapan. Mali nga ang pag abuso ng militar sa martial law, ngunit hindi yun ginusto ni marcos, ang militar ang umabuso at hindi si marcos during martial law.

Base din sa pangyayaring ito, pinili natin kung anu ang uso, kung anu ang sikat at kung anu ang malinis sa ating paningin, hindi natin nakita ang dumi sa likod nito.
Hahayaan ba nating maulit ito? hahayaan ba nating tayo’y magkamali muli, ang magpabulag sa kinang ng bituin at madapa sa huli? Dapat maging matalino at mahusay tayo sa pagpili ng mga kandidato sa pagkapangulo. Kung gusto natin ng pagbabago dapat matuto tayo mula sa nakaraan. Tandaan natin, na hindi lahat ng kumikinang ay ginto.

PS: Wala po akong galit sa pamilyang Aquino. Lahat po ng nakasulat dito ay nakabase lang sa aking mga pananaw at pagkaunawa. Wag nyo po sana itong masamain.
I understand if you curse me after you read this, but no hard feelings.

Para sa mga magsasaka natin:
” Hindi lahat ng malakas ay nagtatagumpay, ngunit ang nagtatagumpay ay lumalakas!”.

Comment by mark

tama lngm ung sinabe mu

Comment by rosela andal

grabe nmn ung ngtyare sa hacienda luisita

Comment by rosela andal




Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s



%d bloggers like this: